Just Be Friends by yammy47

View previous topic View next topic Go down

Just Be Friends by yammy47

Post by JSTakumi on January 21st 2013, 12:28 pm


Ang sarap magkaroon ng maraming kaibigan. May katawanan, may katripan kaya enjoy ang buhay mo

Pero paano na lang kung mawala na lang bigla ang iyong kaibigan?

Nakakamiss tumambay, tripings, daldalan, badtripan, dramahan, asaran, at yung sarap ng feeling kapag kasama lahat ng tropa diba?

------------------------------------------
Pa-read na po ng 1st short story ko ^^ hope you enjoy! ^__^

Anyways based on a true story po ito ^^

Chapter 1


(June 2011)

Hi! my name is Sarah, 12 years old and going to 1st year highschool na ako ^__^ excited na ako pero may halong pagkakaba kasi hindi ko alam kung anong feeling kapag highschool ka na >.<

Anyways ito na ang first day ko dito sa school na to, ngayon ay kasama ko ang kuya ko (pinsan ko) na hinahanap ang pangalan ko sa bulletin board

“Sarah nakita ko na yung pangalan mo” sabi ni kuya

Agad akong lumapit sa kanya at tinignan ang pangalan ko

“Sige alis na ako Sarah” sabi niya

“O sige po kuya ^^” tapos naglakad na siya palabas ng gate

“Pumila na kayong lahat dito upang makapagsimula na tayo” may nakita akong babae na nag-announce sa may stage kaya agad akong pumila kahit saang pilahan >.< dito nga ako sa pinaka hulihan eh
--------------------------------------------------------------
I-nanounce na nila ang mga ‘dapat at hindi dapat gawin’ sa eskwelahang ito at nung natapos na ay agad na kaming pumasok sa mga room namin

Pumasok na ako at umupo na sa upuan kung saan may mga babae, bale ganito yung posisyon namin:

babae|babae|babae|babae|ako

Nahiya nga ako kasi may isa pa silang kasama na ngayon ay nakatayo lang at naghahanap ng uupuan niya, well ako naman nauna dito eh XD

Dumating na yung teacher namin kaya lahat na ng classmates ko na nakatayo ay umupo na agad

“Good morning class. Im Mrs. Belen Tado and I hope na mag-enjoy kayo ngayon sa highschool life niyo dito” sabi ni Mam Belen

“Anyways i-nanounce na kanina yung proper uniform diba? dapat mag-ayos ang mga lalaki ng.......... ganyan!” sabay turo ni mam sa lalaking classmate namin tapos tumayo yung lalaki

“Sa girls naman uhm....... yan!” sabay turo sa lugar na kinakaupuan ko

Lumingon ako sa likod pero nakatingin lang saakin yung babae at ngumiti siya, nagulat ako kasi yung babaeng yun ay ang kaklase ko nung grade 6 pa lang ako

Nagsmile din ako sa kanya at ibinalik ang tingin ko kay mam

“Mam ako po?” tanong ko tapos nag-nod naman siya

Tumayo ako saglit at nung inasign na ni mam na umupo ako ay agad naman akong umupo >.<

Pinatayo kaming lahat ni mam dahil gagawin daw niyang alphabetical yung arrangement namin

Inunang tawagin yung mga babae at nung tinawag na ako ay umupo na ako sa upuan ko at may tumabi na saaking babae, uhm maganda naman siya ^^

“Uhm hi ^^” sabi nung katabi ko, ganito nga pala yung posisyon namin

ako|babae|babae|babae|babae

“Hi” sagot ko naman sa kanya

“Ano nga palang pangalan mo?” tanong niya

“Sarah, ikaw?” tanong ko rin sa kanya

“Rochelle” tapos inalok niya yung kamay niya saakin na makipag-shake hands at tinanggap ko naman yun

Habang wala pang teacher na dumadating ay nagkwentuhan muna kami ni Rochelle, madami akong nalaman sa kanya at ganun naman din siya saakin
------------------------------------------------------------------
Nag bell na kaya ang ibig sabihin nun ay lunch break na, ang galing nga nung bell nila kasi yung instrumental nung kantang “itapon mo basura mo” XD (hehehe alam niyo po ba yan? XD)

“Sarah may baon ka ba? kain na tayo” sabi ni Rochelle

“Ah oo sige” nilabas ko na yung baon kong kanin at kumain na kaming dalawa, pwede naman daw kumain dito sa loob ng room eh kasi puno na yung tao dun sa mini-canteen

Natapos na ang lunch break at nagsimula na namang magklase
---------------------------------------------------------
Inayos ko na yung bag ko at kumaway na ako kay Rochelle kasi uwian na namin

Lumabas na ako ng gate at nakita ko agad yung kuya ko (pinsan) kasama ang kanyang motor, motor nga rin pala yung ginamit namin papunta dito kanina tsaka medyo malayo pala yung school na to hanggang sa bahay

Chapter 2

(August 2011)

Wow! di ko akalaing August na pala ngayon O_O hehehe ^__^

Medyo marami na nga pala ang mga kaibigan ko dito kaya happy naman ako Very Happy

Pumasok na yung adviser namin at pumunta na siya sa harapan, siya nga pala english yung subject nung adviser namin ^^

“Siya nga pala, dahil yung iba ay mahilig lumipat ng upuan ay iibahin ko na naman yung sitting arrangement niyo”

Tumatawag si mam ng pangalan at pinapalipat na niya, ako naman ay kinakabahan kasi friend ko na si Rochelle eh. Siya nga pala siya yung president sa room namin ^^

Nakatitig lang ako kay mam at bigla niya akong tinignan kaya inalis ko agad ang tingin ko sa kanya

“Sarah” sabi ni mam

“Lumipat ka dun” sabay turo niya sa upuan na katapat ng bintana

“Anubayan! tumingin ka ba kay mam?” pabulong na tanong saakin ni Rochelle

“Uh hindi” sagot ko naman sa kanya

“Ay! dapat tumingin ka” sabi naman niya, ganun ba yun? :\

Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad papunta sa bagong upuan ko, tumingin naman ako sa katabi ko, siya nga pala yung lalaking amerikano, ang puti nga eh pero magaling siyang magtagalog pero wag niyong iisipin na may gusto ako sa kanya ha!

Tinawag naman ni mam si amerikano at ang pinapalit sa kanya ay ang kaklase kong medyo may pagkatomboy, tapos katabi niya yung babaeng may kakambal sa ibang room tapos katabi naman niya ay lalaki naming kaklase
--------------------------------------------------------
Uwian na namin, kung itatanong niyo kung anong nangyari saakin kanina? wala naman, tahimik kasi akong tao kaya para saakin walang nangyari kanina XD

Chapter 3

(October 2011)

Grabe talaga! ang bilis ng panahon, October na agad? O_O

Hehehe ok lang yan XD

Oh well ganun pa rin naman karami yung mga kaibigan ko XD pero yung mga katabi ko hindo ko parin kaibigan T^T malamang! eh tahimik nga akong tao! kulit ng utak ko eh no?! XD

Nagkaklase na nga pala kami then pagkatapos nito ay magku-quiz na kami -_-

“Class get 1/4 sheet of paper” baka magku-quiz na kami ^__^

Binuksan ko na yung bag ko at

*dukot dito

*dukot dyan

*dukot kung saan-saan

Waahh yari!!! wala na akong papel TT^TT

Binuksan ko yung notebook ko at naghahanap ng 1/4 kung meron man.... pero wala talaga T^T

Napansin ko namang may inaabot saakin yung kaklase kong may pagakatomboy na papel saakin kaya tinanggap ko naman yun

“S-salamat” sabi ko sa kanya at nag-nod lang siya tapos nagsimula na kaming mag-quiz

“Exchange your paper” sabi ni mam nung matapos na kaming mag-quiz

Binigay na ni Dana (yung may pagkatomboy) yung papel niya saakin tapos binigay ko na rin sa kanya yung akin

Napansin kong natawa siya kaya agad kong tinignan kong anong inabot ko sa kanya at ang nakita ko ay yung ballpen ko

“Ay sorry” yun na lang yung nasabi ko dahil sa kahihiyan >.<

“Hehehe ok lang” sagot naman niya

Tapos na kaming mag-check ng papel at nagsilabasan na yung iba kong kaklase kasi lunch break na din naman namin eh

Nagkukwentuhan lang kami ni Dana pati na rin ni Hannah, si Hannah nga pala yung katabi ni Dana na may kakambal ^^

“Oy Sarah! sabay ka saamin kumain” sabi ni Hannah

Kahit nga pala hindi na kami magkatabi ni ate Rochelle ng upuan ay sabay parin kaming kumain, ako naman yung lumalapit sa kanya eh

“Ah o sige” ok lang naman ata kay ate Rochelle eh kasi may kasabay naman siya eh ^^ yun na nga pala yung lagi niyang kasama nung hindi na kami magkatabi

Nagkukwentuhan kami ngayon nina Dana at Hannah habang kumakain kami Smile
-----------------------------------------------------------

Natapos na kaming maglinis ni Hannah ng room kasi magka-group kami ng cleaners tuwing Thursday, si Dana naman hinintay lang si Hannah kasi sabay silang lumabas tapos si ate Rochelle naman hinintay ako kasi sabay din kaming lumabas

Sabay na kaming apat na lumabas ng gate at nagpaalam na ako kay ate Rochelle tapos sumakay na siya ng tricycle tapos sina Dana at Hannah naman... bigla na lang nawala -_-

Pumunta na lang ako sa tambayan ko, sa harap ng school namin na may mga dahon ng anahaw

Habang hinihintay ko si kuya ay nakita ko naman sina Dana at Hannah na nasa kabilang side:

sila--------------tawiran--------------ako

Napansin ata nila ako kaya kinawayan nila ako

“Oy Sarah!dito!” tawag saakin ni Hannah

“Teka lang!” sabi ko at tumawid na ako papunta sa kanila

“Dito ba kayo tumatambay?” tanong ko sa kanila

“Oo ^^” sabi ni Hannah

“May sundo ka ba?” tanong ni Dana

“Ahh oo, kayo?” tanong ko

“Meron din” sabi ni Dana

“Kami din” sabi rin ni Hannah

Nag-uusap lang kami kasama yung kakambal ni Hannah at nung mga kaklase niya at hindi namin namalayan na dumating na yung sundo ni Dana at sumunod na rin yung sundo ni Hannah, pero maya-maya ay dumating na rin yung sundo ko ^^

Chapter 4

(March 2012)

Yey! ang saya ^O^

Birthday ko na kasi ngayon ^__^

Naglalakad ako ngayon papunta sa room namin sa t.l.e ^^

Iba-iba kasi yung lesson namin sa t.l.e kada grading

Kapag 1st grading kasi cosmetology

2nd naman electronics

3rd naman foods

at ngayong 4th garments ^^

Nang makapasok na ako ay nakita ko na agad si Hannah na hinihintay ata ako? hehehe ^^

Ngayon pala ay officially bestfriends ko na sina Dana at Hannah ^^ hindi na nga pala kami nagkakasama ni ate Rochelle kahit kapag lunch break kasi may iba na siyang kasama eh. Minsan nga natatawa ako kasi magtatampo-tampuhan si Dana kay Hannah tapos maya-maya niyan ay hindi na nga kami magpapansinan tapos si Dana naman sinasabi sa akin na wag ko daw pansinin si Hannah ako namang baliw sumunod na lang kay Dana XD pero 3 days lang yun ha! hehehe Very Happy

“Ang tagal mo naman!” sabi saakin ni Hannah

“Atleast hindi ako na-late >3<” sagot ko naman sa kanya

Siya nga pala, lagi akong nale-late dahilan na rin sa ang layo nga ng bahay ko papunta dito, may iba ngang teacher na naiinis na eh pero ok lang atleast pumapasok ako XD hehehe

Nilagay ko na yung bag ko sa upuan at nagsimula na kaming lahat na maglinis

Nung natapos na kaming maglinis at nagkwentuhan muna kami kasi wala pa naman yung teacher eh, yung iba nga lumalabas pa

Gusto ko sanang sabihin sa dalawang besties ko na birthday ko ngayon pero nahihiya ako eh >.< at dahil sa gusto kong malaman nila na birthday ko ngayon ay agad kong tinawag si Dana

“Oy Dana halika dito! may sasabihin ako” sabi ko sa kanya

“Ano yun?” pabulong naman niyang tanong

“B-birthday ko ngayon ^__^ pabulong ko ring sabi sa kanya

“Talaga?”

“Oo nga”

“Oy! ano daw?”
singit naman ni Hannah at agad na lumapit saamin, kami na nga lang tatlo dito eh kasi yung lahat na nga classmate namin nasa labas na

“Birthday daw niya” sabi ni Dana kay Hannah

“Oh talaga? happy birthday ^^” sabi ni Hannah

“Happy birthday ^^” sabi rin ni Dana

“Hehehe thank you sa pag-greet ^^”

Matapos nun ay nagsibalikan na kami sa upuan namin dahil dumating na yung teacher namin

---------------------------------------------------

Uwian na namin ngayon at syempre pumunta na kaming tatlo sa tambayan namin kasama na yung kakambal ni Hannah pati na rin yung mga kaklase niya at ganun parin ang nangyari, nauna si Dana na umuwi then si Hannah at last ako

Nang makauwi na ako sa amin ay agad akong nagbihis at nanood na ng favorite na palabas ko, ang PBB hehehe ^^

“Sarah sabihin mo na sa teacher mo bukas ha” sabi ni mama na katabi ko ngayon sa sofa

“Uh opo mama -_-“ naiinis talaga ako sa mga magulang ko! paano ba naman kasi eh nung elementary ako ay palipat-lipat ako ng school tapos ngayong highschool na ako lilipat na naman kami?! hayss~ -_-

Chapter 5

Wew! exam na namin ngayon at malapit na rin ang graduation namin -_- sa totoo lang parang gusto ko pang tumagal ang panahon kasi malapit na rin kaming lumipat ULIT ng school -_-

Pinasa ko na ang test paper ko kay mam at kinausap ko na siya

“Uh mam magta-transfer na po pala ako sa ibang school kaya paano na po yung clearance?” tanong ko kay mam

“Ay! anubayan? talagang magta-transfer ka na?” tanong ni mam. Alam na nga pala ni mam na magta-transfer na ako kasi nagtatanong siya sa aming lahat kung sino daw ang hindi mag-aaral ng 2nd year dito tapos may nagtaas ng kamay kaya nagtaas na rin ako, pero nung tinanong ako ni mam kung sigurado na ba ako na magta-transfer na ako pero ang lagi kung sagot ay hindi ko alam

“Opo mam eh” malungkot kong sabi

“Ahh o sige mamaya na lang natin yan pag-usapan pagakatapos ng lunch break” sabi ni mam

“Ok po” sabi ko at tuluyan na akong bumalik sa upuan ko

Nung matapos na ang lunch break ay naglilinis lang kami dahil ilang araw na lang at malapit ng matapos ang school year, hayss~ -_-

Nung napagod na ako ay umupo muna ako sa upuan kasama sina Dana at Hannah

“Uhm Sarah, sino bang kaibigan mo dito? para dun mo na lang ipaasikaso yung clearance mo” sabi ni mam. Siya nga pala, kanina nung lunch break ay binayaran ko na ang mga kailangan sa school na to para mapirmahan ang clearance ko pero ang kulang na lang ay sa ibang teachers ko kasi hindi ko pa nagagawa yung mga requirements na kailangan para mapirmahan yung clearance ko

“Uhm sina Dana at Hannah po” sagot ko naman kay mam

“O sige, ibigay mo na yung clearance mo sa kanila para maasikaso na nila” sabi ulit ni mam

“Opo” sabi ko

“Uhm Hannah, sinong pwede sa inyong dalawa na asikasuhin yung clearance ko?” tanong ko sa kanya

“Saakin na lang ^^” sagot naman niya

“Salamat ha”

“Ano ka ba? wala lang yun”


Chapter 6

Hay! ngayon ay biyernes na at bukas na rin ang alis namin -_-

Natapos na ang klase namin kaya kumain na kaming tatlo

“Oy Sarah kailan kayo aalis?” tanong ni Hannah saakin

“Uhm bukas na eh”

“Anubayan!”
sabi naman ni Dana

“Hayss~” yan na lang ang nasabi ko

Siya nga pala, nung birthday ko sinabi sa kanila na magta-transfer na ako sa ibang school at umabsent ako ng 3 days dahil sa nalulungkot ako at nung pumasok na ako ay nagulat sina Dana at Hannah nang makita ako kasi akala nila umalis na ako

“Pano ba yan? half day lang pala tayo ngayon, may magsusundo ba sa inyo?” tanong ni Dana

“Wala eh” sagot ko

“Wala rin saakin eh” sagot rin ni Hannah

“Gala na lang tayo pagkatapos nating kumain” sabi ulit ni Dana

“O sige ba” first time kong gumala kasama tong besties ko ^__^

Nung lumabas na kami sa school ay pinuntahan muna namin yung isa naming kaklase na malapit lang ang bahay para samahan kaming gumala XD

Habang hinihintay namin siya ay bigla na lang na nagsalita si Dana

“Si Hannah oh! may katext-mate hahaha Very Happy

“Hala hindi ah! tine-text ko lang si papa para sunduin ako” sabi ni Hannah

“Ano ba yan! wag ka na munang magpasundo! ang unfair kasi eh, hintayin mo na lang yung papa mo mamaya tsaka last day na dito ni Sarah oh!” sabi ni Dana

“Ok” sagot naman ni Hannah

Nung dumating na yung isang naming kaklase ay pumunta kami sa arcadan na malapit lang sa school namin

Habang naglalaro kami ay pinipilit kong wag muna isipin yung mangyayari bukas

Nung napagod na kami ay pumasok ulit kami sa eskwelahan at umupo muna sa damuhan

Nag-usap-usap muna kami tungkol sa pag-alis ko bukas at sa mga crush namin XD

May binigay nga pala si Hannah saakin na laruang bear para daw remembrance niya saakin, nahiya nga ako kasi wala man lang akong naibigay sa kanya

Nung oras na ng uwian namin ay lumabas na kami ng gate at pumunta na sa tambayan namin

Nung dumating na ang sundo ni Dana ay lumapit muna siya saakin at niyakap niya ako tapos kumaway na siya saakin

Kami naman ni Hannah ay naka-upo lang at hinihintay yung sundo namin at ng kinausap niya ako ay hindi ko na napigilang umiyak, umiiyak ako habang tinatakpan ko ang mukha ko ng mga palad ko

Maya-maya ay niyakap kaagad ako ni Hannah at dun humagulgol na ako ng iyak

“Grabe! akala ko sa palabas ko lang makikita yung mga ganyang scene” panira ng moment to, yung nagsalita nga pala ay yung kaklase ng kakambal ni Hannah, yang baliw na babaeng yan ay kaklase ko nung grade 6 Very Happy

Naghiwalay na kami sa pagkakayakap at hinintay na namin yung sundo namin

Nung dumating na yung sundo ko ay niyakap ko ulit si Hannah at pumunta na ako sa sundo ko

Epilogue

Salamat naman! nandito na kami sa Manila

Pagkadating na pagkadating pa lang namin ay agad kong ti-next si Hannah, hiningi ko kasi yung number niya nung gumagala kami ^^

Araw-araw kong kinakamusta si Hannah at tinatanong ko rin kung ano nang nangyari sa clearance ko kasi malapit na naman ang pasukan eh -_-

Siya nga pala, hindi ko nakakausap si Dana kasi wala siyang cellphone

Nabalitaan ko nga kay Hannah na nakakuha daw si Dana ng medal ^^ matalino kasi yun eh ^__^ hehehe

----------------------------------------------------------
July na nga pala ngayon at busyng-busy ako sa school, kaya hindi ko na masyadong nakaka-text si Hannah. Inulit na nga pala yung clearance ko kasi si Hannah hindi naibigay sa tita ko kaya si tita na ang nag-asikaso at ngayon ay tapos ng pirmahan yung clearance ko ^^. Buti na lang at wala kaming assignment kaya naka-upo lang ako ngayon nang biglang may nag-text sa cellphone ko, at nakita kong si Hannah ang nag-text

To: Sarah
Sarah kamusta ka
na?

Buti na lang may load ako kaya ni-replayan ko siya

From: Sarah
Ok lang, ikaw?


Naghintay ako ng ilang saglit at nag-reply na siya

To: Sarah
Uhm ok lang din, hindi ako nakapasok kasi may sakit ako
eh

Re-replayan ko sana siya kaso wala na akong load eh, inisip ko na lang na nilagnat ata yun

5 days ang nakalipas nung ka-text ko pa si Hannah, pero hindi ko na siya nakaka-text eh

Pumunta na lang muna ako saglit sa bahay ng pinsan ko at naki-laptop muna kasi wala pa akong laptop eh XD

Inopen ko na yung laptop at binuksan ko na ang fb ko tapos maya-maya ay bigla na lang na may nag-chat saakin

“Hello Sarah” eh? sino naman kaya to? princess*toot* yung name eh

“Uhm sino ka po?”

“Oy ako to si Rhian”

“Ay ikaw pala yan? hindi kita nakilala kasi iba yung username mo eh hehe” si Rhian nga pala yung kaklase ko nung 1st year ^^

“Uy alam mo ba si Hannah patay na?” O_O halos manlaki ang mata ko sa chat niya

“Hala! baliw ka talaga! di nga?” tss hindi ako naniniwala, pano ba naman kasi eh nung kaklase ko pa si Hannah eh hindi ko naman napansin na nagkasakit siya, hindi nga siya umaabsent kahit isang beses lang eh

“Oo nga, pumunta nga si Dana sa libing niya eh” sa mga sinabi ni Rhian saakin ay ang unang pumasok sa isip ko ay baka nagkaroon lang sila ng play at role ni Hannah na patay siya

“Ano ka ba naman Rhian, wag ka ngang ganyan”

“Oo nga seryoso ako, kung ayaw mong maniwal, di wag!” pagkatapos niyang sabihin yun ay agad akong umuwi sa bahay namin at sinabi ko kay mama yung sinabi saakin ni Rhian

“Mama pa-text ako sayo, ite-text ko na si Hannah baka nagbibiro lang si Rhian eh” sabi ko kay mama

“O sige” tapos binigay na saakin ni mama yung cellphone niya, may number din kasi si mama kay Hannah eh

Pagkatapos kong mag text ay nakatulala lang ako habang hininintay ang reply niya

Ang sabi ko nga pala sa text ko ay:

“Oy Hannah, musta na? ito nga pala yung email mo ...............@yahoo.com tsaka ito yung password ******” hindi kasi marunong gumawa si Hannah ng fb kaya ginawan ko siya kasi gusto niyang maglaro ng tetris ^^

Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ko at agad kong binuksan ang reply niya, pero laking gulat ko sa reply niya









“Hi Sarah, ako nga pala yung kakambal ni Hannah, namatay na nga pala si Hannah nung sabado, may sakit kasi siya sa kidney :'(” hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na lang bigla ang mga luha ko

“Bakit? anong sabi?” sabi ni mama at inabot ko na sa kanya ang cellphone at sabay na kaming umiyak, close kasi si mama at si Hannah eh

Nagkipag-text na lang si mama sa kakambal ni Hannah samantalang ako naman ay umiiyak pa rin, sabi nung kakambal ni Hannah sa text ay iningatan daw ng maayos ni Hannah yung photo frame na galing daw saakin, inisip kong mabuti kong kailan ko ibinigay ang photo frame na yun at naalala kong siya pala yung nakabunot ng regalo ko nung christmas party namin

Alam kong nawala na sa mundong to ang isa sa bestes ko pero mas alam kong hinding-hindi siya mawawala sa isip at sa puso ko




-the end-

Author’s note:

Sa wakas! tapos na ang shoort story ko ^^ sana po ay nag-enjoy kayo sa pagbabasa, lahat nga po pala ng pangyayari dito ay totoo pero yung iba ay dinagdagan ko lang dahil dati pa yun eh, 2013 na kasi ngayon ^^ anyways! yung name po ng characters ko sa story na to ay hindi po yun ang true name nila in real life pero yung pictures po ay totoo ^^ so hanggang dito na lang po at sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa ^__^

_______________Watt Philippines Forum_______________

avatar
JSTakumi
Forum Expert


Administrator
Status : お元気ですか?
Female Comments : 398
<b>Votes Received</b> Votes Received : 15
<b>Credits</b> Credits : 12945
<b>Join date</b> Join date : 2012-12-23
1st Pet : Troll Ghost Alien: "You laugh, I laugh. I'm floating, you scream. BOO!"
2nd Pet : Gaia Cat
Badges :
Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Featured Story Award

View user profile https://twitter.com/JSTakumi http://www.wattpad.com/user/JSTakumi

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum